The public is advised to beware of private agencies or individuals that offer to facilitate visas to Russia for a substantial fee. Many Filipinos have been victimized by these entities with the promise of work and legal documents.
The appropriate visa for living and working legally in Russia is a "WORKING" visa.
Holders of "COMMERCIAL", "BUSINESS", "TOURIST", or "STUDENT" visas are not allowed to work in Russia.
A "WORKING" visa must be obtained from a Russian Embassy or Consulate prior to arrival in Russia. It must be arranged by the Russian employer who invites the foreign worker.
A "WORKING" visa allows employment with the inviting company/individual only and not with any other entity.
"COMMERCIAL", "BUSINESS", "TOURIST", and "STUDENT" visas cannot be legally converted to "WORKING" visas while holder is in the territory of the Russian Federation.
Those interested in working in Russia may inquire with POEA-accredited agencies. For further information and clarification, contact the Philippine Embassy in Moscow at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..
Pinapaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa mga pribadong ahensya o mga indibidwal na nag-aalok ng paglakad ng visa patungong Russia kapalit ang malaking halaga. Maraming mga Pilipino na ang nabiktima ng mga ito at pinangakuan ng trabaho at legal na dokumento.
Ang tamang visa para manirahan at magtrabaho sa Russia ay "WORKING" visa.
Ang mga may hawak ng "COMMERCIAL", "BUSINESS", 'TOURIST", o "STUDENT" visa ay hindi maaaring magtrabaho ng legal sa Russia.
Ang "WORKING" visa ay kailangan i-apply sa Russian Embassy o Consulate bago pa dumating sa Russia. Ito ay dapat ayusin ng Russian employer na nag-imbita sa isang manggagawa.
Ang may hawak ng "WORKING" visa ay maaari lamang magtrabaho para sa kumpanya/indibidwal na nag-imbita sa manggagawa at hindi para kaninuman.
Ang "COMMERCIAL”, "BUSINESS”, “TOURIST", o "STUDENT" visa ay hindi maaaring i-convert sa "WORKING" visa habang nananatili sa teritoryo ng Russia.
Kung interesadong magtrabaho sa Russia, maaaring makipag-ugnayan sa mga POEA-accredited agencies. Para sa karagdagang impormasyon at klaripikasyon, sumulat sa Philippine Embassy sa Moscow sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..
...