Mga Kababayan sa Moscow:
Nakarating po sa kaalaman ng Embahada na may nagaganap na paghihigpit o crackdown laban sa mga foreigners dito sa Moscow at iba pang lugar sa Russia na may kinalaman sa papalapit na eleksyon. May mga kaganapan kung saan ang mga foreigners ay dinadala sa presinto dahil sa mga kakulangan sa kanilang papeles gaya ng tamang visa, work permit at registration. Kabilang na po rito ang ilang kaganapan na kinasasangkutan ng mga Pilipino. Kung kayo po o ang inyong kakilala ay masangkot sa ganitong pangyayari, mangyari lamang na agad itong ipaalam sa Embahada sa pamamagitan ng:
Telepono : +7 499 241 0563 Mobile hotline : +7 906 738 2538 (meron din itong Viber) Facebook : Philembassy Moscow
Samantala, pinapaalala po ng Embahada sa lahat ng miyembro ng Filipino Community sa Russia na siguruhing tama at kumpleto ang inyong mga dokumento.
Gumagalang,
Ambassador CARLOS D. SORRETA